adsense-horizontal

Monday, July 28, 2008

Pinoy Jokes and Funny SMS Text Messages 44

LADY: Dok, nag-a-alalai ako sa kapatid ko.
Dati kasi kinakausap niya ang sarili niya!
Pero ngayon, hindi na niya ginagawa yun!

DOK: Aba eh di mabuti! Senyales yun na gumagaling
na siya. Eh ano daw ang dahilan at di na niya
kinakausap ang sarili niya?

LADY: Kasi magkagalit daw sila ngayon eh!!

-----------------

" Sa New Year, wak ikaw suot ng Polka Dots, kasi Sign lang ito ng barya! Ikaw suot RECTANGLEpara SYMBOL ng TSEKE... pero wak ikaw tatalon para hini siya talbog!! Okey? "

-----------------

Paano mo sasabihin sa kausap mong BABAE na mukha siyang LALAKI... ng hindi siya masasaktan?

Eh di ganito sabihin mo... Uy ang kyut-kyut mo naman! Kamukhang-kamukha ka ng DADDY MO!!

-----------------

Paano mo sasabihin sa kausap mo na ayaw mo na
siyang kausap.... ng hindi siya maghihinanakit?

Ganito sabihin mo... O sige pare! Lakad nako,
text-text na lang ha?

-----------------

Paano mo naman sasabihin sa classmate mo na
BUNGI-BUNGI ang ngipin niya.... ng hindi siya
magagalit?

Ganito lang: Wow classmate! ang ganda naman ng
ngipin mo! Para silang nag-e-exam.... one seat apart!

-----------------
Paano mo sasabihin sa kausap mo na MAASIM ang
amoy niya.... ng di niya daramdamin?

Ganito: Bestfriend, may dugong bughaw ka ba?
Siguro anak ka ni Datu Puti ano? Halata kasi sa
amoy mo eh!

-----------------

Paano mo sasabihin sa kausap mo na may LIBAG
siya sa leeg... ng hindi siya mapapahiya?

GANITO: Wow, ang ganda naman ng suot mong
necklace, Black Gold!!

-----------------

INDAY: Dok, masakit na masakit po ang tiyan ko...Ano po
ba mabuting gamot dito?

DOK: Kelan pa ba nagsimula yan?

INDAY: Simula lang po nung kumain ako ng talaba!

DOK: Baka naman sira yung nakain mo? Nang buksan mo ba
yung talaba eh wala kang naamoy na mabaho?

INDAY: Binubuksan po ba yun?

-----------------

KID-1: Alam mo bang ang galing-galing ng tatay ko?
Maniniwala ka ba na yung mga taong lumpo eh
napapalakad niya!

KID-2: Mas magaling ang tatay ko! Kasi yung mga taong
nakakalakad.... nilulumpo niya!

-----------------

WALDO: Pare, ano gagawin mo kapag may naka-usap kang
tao na mukhang PUWIT?

GERRY: Eh di bibigyan ko ng brief at i-u-upo ko yung
mukha niya sa silya, para marelax siya.
Aba! mahirap yatang makipag-usap sa nakatuwad noh!!
Eh kung ma-ututan ka non!

-----------------

Pinoy Jokes Email from Jhun de Leon
Wanna share?? Email your Pinoy Funny jokes to pinoyjokeatgmaildotcom or send your Pinoy Jokes SMS to +639278704655

No comments: