adsense-horizontal

Monday, October 06, 2008

Pinoy Jokes and Funny SMS Text Messages 50

JOSE: Kumusta ang assignment?
RICK: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.
JOSE: Naku, ako rin! Paano 'yan? Baka isipin
nila, nagkopyahan tayo?!

-----------------

TOTO: Pangarap ko, kumita ng P250,000 monthly gaya ni daddy!
JOVY: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng daddy mo?
TOTO: Hindi! 'Yan din ang pangarap niya!

-----------------

DOK: May taning na ang buhay mo.
JUAN: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?
DOK: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.
JUAN: Bakit, gagaling po ba ako ru'n?
DOK: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!

-----------------

LITO: Pare, ano ba ang kaibahan ng H2O sa CO2?
JOSE: Diyos ko naman! Di mo ba alam 'yun?!
Ang H2O ay water! At ang CO2... COLD water.

-----------------

”Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.
Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang
sabihin kung may basketbol sa langit.
Naunang namatay si Dado.”
Isang gabi, may narinig na boses si Rodel na parang kay Dado.
"Ikaw ba 'yan, Dado?" usisa ni Rodel.
"Oo naman!" tugon ni Dado.
"Parang hindi totoo!" bulalas ni Rodel."O,ano, meron bang
basketball sa langit?"
Sagot ni Dado, "May maganda at masama akong
balita sa 'yo. Ang maganda, may basketbol doon. Ang masama...
kasali ka sa makakalaban namin bukas!" (ngek!)

-----------------

Usapan ng dalawang bata...
JUNJUN: Magaling ang tatay ko! Alam mo'yang
Pacific Ocean , siya ang humukay nun!
PEDRO: Wala 'yan sa tatay ko! Alam mo yung Dead Sea ?
JUNJUN: Oo...
PEDRO: Siya ang pumatay nun!

-----------------

STEWARDEES: Do you want a drink, sir?
SIR: What are my choices?
STEWARDEES: Yes or No.

-----------------

MISIS: Hindi ko na kaya 'to! Araw-araw nalang tayong nag-aaway
Mabuti pa, umalis na ako sa bahay na 'to!
MISTER: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito,away roon! Mabuti pa
siguro, sumama na ako sa 'yo!

-----------------

Misis: Delayed ako nang one month pero huwag mo munang
ipagsabi.Nahihiya ako...
Mister: Okey.
(Kinabukasan, dumating Collector ng Meralco.) ..
COLLECTOR: Misis, delayed po kayo ng one month.
MISIS: Ha? Bakit mo alam?
COLLECTOR: Nasa record po.
MISTER: Bakit Naka-record diyan na delayed ang misis ko?
COLLECTOR: Kung gusto ninyong mawala sarecord, magbayad kayo!
MISTER: Eh kung ayokong magbayad?
COLLECTOR: Puputulan kayo!
MISTER: Eh anong gagamitin ni misis?
COLLECTOR: Pwede naman siyang gumamit ng kandila.

-----------------

Advantage at disadvantage ng may-asawa...
ADVANTAGE: 'Pag kailangan mo, nandiyan agad.
DISADVANTAGE: 'Pag ayaw mo na, andiyan parin!

-----------------

TANONG: What is the difference between a girlfriend,a call girl and a wife?
SAGOT: Post paid, pre paid, unlimited.

-----------------

Sa isang classroom...
TITSER: Class, what is ETHICS?
PETER: Etiks are smaller than ducks.
TITSER: Okey, that duck will lay an egg in your card.

-----------------

JUAN: Pare, noong mayaman pa kami, nagkakamay
kaming kumain. Ngayongmahirap na kami, nakakutsara na.
PEDRO: Baligtad yata?
JUAN: Mahirap kamayin ang lugaw, pare!

-----------------

ANAK: Itay, nagpapatanong si ma'am kung ano raw ang propesyon mo.
TATAY: Sabihin mo, cardiologist.
ANAK: Ano po ba ang cardiologist, Itay?
TATAY:'Yung taga-ayos ng radio sa car!

-----------------

”Umuwi si mister nang 4:00 AM at nakita niya ang
kanyang misis na may katalik na lalaki sa kama”...
Misis: (sumigaw) SAAN KA GALING?!
Mister: Sino 'yang katabi mo?
Misis: GRABE KA! HUWAG MONG IBAHIN ANG USAPAN!

-----------------

ROD: Bakit bad trip ka?
HARRY: Nagtampo sa 'kin ang utol ko.
ROD: Bakit naman?
HARRY: Nakalimutan ko kasi ang birthday niya.
ROD: 'Yun lang? Anong masama ru'n?
HARRY: Ang masama ru'n... twins kami! Twins!


Pinoy Jokes Email from Jhun de Leon
Wanna share?? Email your Pinoy Funny jokes to pinoyjokeatgmaildotcom or send your Pinoy Jokes SMS to +639278704655

6 comments:

Dirty Lou said...

you want real funny? www.dirty-lou.blogspot.com warning... you may want to kill Dirty Lou after reading this, but its still the funniest sh*t on the web.

Angel said...

wahahaha! Tawa talaga ako ng tawa! grabe namn! Pinoy nga namn. Kaya lang yung iba paulit ulit. T.T

Pero okay paren.. Sumakit panga ko ha.

Pasama sa blog roll
http://meniacmachine.blogspot.com/

geh po. Take care and more power.

Anonymous said...

Tanong; BAKIT TAKOT ANG AHAS SA LANGGAM.

SAGOT;KASI PAG KNAGAT NG LANGGAM ANG AHAS MANGANGATI EH WALANG KAMAY ANG AHAS HINDI MAKAKAMOT.

Anonymous said...

I have added your blog into my blog site: http://short-funny-jokes.blogspot.com/

I hope you will add my site too.

Thanks
David Jones
Short Funny Jokes

Doing business in the Philippines said...

hahhaha its so nice and really made us laugh!! keep updating it ok? hehehe

Incubation Office manila said...

haha..nakakatawa naman mga jokes dito..at least di parin nawawala pagiging masayahin nating mga Pinoy..ayus!